Good Vibes: Mga pulis, traffic enforcer at sundalo, nagpasaya sa hataw sayaw

Imahe mula sa video ng BuhayLespu facebook page at Marco D. Comendador

Viral sa social media ang ilan nating pulis, sundalo at traffic enforcer. Bakit kaya?

May mga pulis na sumasayaw habang breaktime ang mga ito, na nakakaaliw naman kasing panoorin.

Nagsabay sila sa kanilang mga galaw at talaga namang swabe ang paghataw ng dalawang pulis na ito. Makikitang natutuwa namang pinanood ng mga kapwa pulis ang pagsasayaw ng dalawa sa harap ng CCP Complex, Pasay City.

Pangtanggal-pagod umano ang pagsasayaw nila matapos nilang sumabak sa pagbabantay sa mga raliyista noong huling araw ng ASEAN SUMMIT.

Nag-freestyle rin ang dalawa; kung saan habang si PO2 Joanna Villa Rosa ay todo kembot sa sayaw nito, hataw na galaw naman ang ipinangtapat at ipinakita ni PO1 Jomar Dakiwa.

Umabot sa mahigit 117,000 ang views at halos pa-1000 shares na ang video post na ito sa Facebook page ng BuhayLespu.

Samantala, ang isang traffic enforcer ay hindi rin magpapahuli pagdating sa pagsayaw; si Sanny Vidar, taga-Cagayan De Oro City, na todo kendeng habang naka-duty ito at suave ang galaw habang nagmamando. Good vibes umano ang hatid ng traffic enforcer sa mga motorista at mga taong nasa paligid nito.

Kaya naman sa Facebook post ni Marco D. Comendador: “Not all Traffic Enforcers gadala ug bad vibes especially this person kahit mainit na full blast parin yung positive energy niya. 😊🤘 Keep up the good vibes Mr. Pure Energy! Hahaha”

Trending rin naman ngayon ang Taga Saan Ka Challenge at sa post ng BuhayLespu  ay makikita ang pagtanggap sa challenge na ito ilang mga sundalo at pulis.

Panooring ang video ng 24 oras at magpa-good vibes!