Jason Magbanua Presents! Kiligin sa Wedding Preview video nina Anne Curtis at Erwan Heussaff

Image capture of video by Jason Magbanua via YouTube channel

Si Jason Magbanua, na isa nang maituturing na alamat sa larangan ng photography at paggawa ng mga wedding films/videos, ay nagbahagi ng isang preview ng kasal nila Curtis-Heussaff na ginanap noong  ika-12 ng Nobyembre taong kasalukuyan.

Ang magandang aktres na si Anne Curtis at Erwan Heussaff ay nag-isang dibdib sa Queenstown at ito’y dinaluhan ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan.

Nitong Nobyembre 18 ay ibinahagi ni Magbanua sa kanyang Facebook account na si Anne ay babalik na sa programang “It’s Showtime” at hiniling nito na maghanda siya ng isang video na kanyang maipapakita sa kanyang pagbabalik. Ito umano ay para doon sa mga may limitadong access sa internet.

“Anne is going back to work at her noontime daily today and she asked me put something together to share to her fans, especially those who have limited internet access. Such a kind, sweet gesture from a kind and sweet young lady. They will show the entirety of this preview at Showtime later today.

There’s a special guest in the show, his FIRST time!, so you wouldn’t want to miss it.

Watch out for a snippet of a specially written song by Rizza Cabrera for the wedding, it’s called One and it ill break and mend your heart into a million tiny pieces.”

Dagdag pa ni Magbanua – na paboritong videographer ng mga celebrities – na ito’y isa lamang preview kaya’t abangan pa rin ang highlights.

Para sa mga hindi nakapanood ng “It’s Showtime” nitong Nob. 18, narito at panoorin ang nakakikilig na preview ng romantic wedding ni Anne at Erwan!

Hindi kataka-taka na bumuhos ang maraming komento ng paghanga sa preview na ito. Kasi naman, talagang nakaka-in love! Happy for you, Mr. and Mrs. Heussaff!

Sa YouTube, ang video na ito ay #20 na sa trending! Huwag kalimutang mag-subscribe sa channel ni Jason Magbanua upang laging maging updated sa kanyang mga bagong videos.