Joross to soon-to-be dad John Lloyd: Congratulations, welcome to the club!

Imahe mula sa Facebook page na John Lloyd Cruz

May mensahe ang isa sa mga pinakamalalapit na kaibigan ng aktor na si John Lloyd Cruz, na magiging ama na sa anak nila ng aktres na si Ellen Adarna.

Ayon sa PEP, masaya ang aktor na si Joross Gamboa para sa kaibigan.

“Unang-una, congratulations sa kanya at welcome to the club!” wika ni Gamboa.

“Ngayon, mas maiintindihan mo na ang pinagdadaanan naming mga ama kung bakit minsan, hindi kami makasama, makaalis,” dagdag pa nito.

Ang hiling daw ngayon ni Gamboa ay sana maging malusog ang sanggol na isisilang ni Adarna at maging maayos ang pagsasama ng dalawa.

“And sa akin, ang wish ko lang sa kanila, kay Ellen, is maging healthy ang pagbubuntis ni Ellen, and maging healthy rin kayo as couple. Keep God in the center of your relationship and glory to God, blessing ‘yan!” pahayag nito,

Ilang pelikula na ang pinagsamahan nina Gamboa at Cruz sa bakuran ng Star Cinema; kabilang ang trilogy movie nina Cruz at Sarah Geronimo na A Very Special Love, You Changed My Life, at It Takes A Man and A Woman.

Kuwento ni Gamboa, malaki ang nagbago sa kanya noong naging tatay na siya.

“Mas magiging selfless ka na pag may anak ka na, at kailangan siyempre mag-ano ng time mo, ‘yong priorities in life. Sa akin kasi, ang priority ko is family over work. Kaya siyempre, nagtatrabaho ako para mabuhay; hindi ako nabuhay para magtrabaho. So, ganun ang ginagawa ko. Pag may free time ako, doon sa mga babies ko na lang ilalabas kesa yung lumabas ako or mamasyal,” aniya.

Source :

PEP, KD, Brigada