Kahanga-hanga: Mj Solitana, isang artist na gumagawa ng obra gamit ang kanyang bibig

Imahe mula sa video ng ABS-CBN YouTube Account

Isang may kapansanan ang naghahatid ng inspirasyon sa pamamagitan ng paggawa ng mga obra gamit ang kanyang bibig.

Sikat ngayon ang mga obra ni MJ Solitana taga St. Barbara, Ilo-ilo. Hindi mo aakalain na bibig ang kanyang  ipinangpipinta at ipinangguguhit dahil napakagandang ng kanyang mga obra.

Si MJ ay mayroong Orthopedic disability mula nang ipinanganak — kung saan maliliit umano ang kanyang mga kamay, hindi mabaluktot ang kanyang mga binti at hindi rin makalakad; kaya’t kinakailangan na laging may aalalay sa kanyang bawat paggalaw.   Subalit kahit ganoon ang kanyang kondisyon ay may talento naman ito na nalinang at puwedeng ipagmalaki.

Tunay na hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan upang maipakita niya ang kanyang talento sa maraming tao at kung ano siya ngayon. Kasapi siya sa Guhit Pinas Iloilo at ito umano ay nakatulong sa kanya upang maabot niya ang kanyang mga pangarap sa sining.

Gamit ang bibig ay nakapagguguhit at nakapagpipinta siya na talaga namang hahangaan mo!

Sa ngayon ay naka-exhibit sa paaralan sa Jaro, Iloilo City ang kanyang mga obra mula pa noong Nobyembre 10 at ito’y hanggang sa ika-30 ng buwang kasalukuyan. May mga mag-aaral nang nagtungo sa kanyang exhibit.

Image via Mj A Solitana via Facebook account
Image via Mj A Solitana via Facebook account

Sa video na ibinahagi ng ABS CBN sa YouTube, sinabi niya na inspirasyon daw niya sa mga drawing at painting ang kanyang ina na matagal nang nawalay sa kanya.”  

Umaasa si MJ na magsisilbi siyang inspirasyon sa mga taong may kapansanan din katulad niya at sa mga taong gustong matuto ng sining ng pagguhit at pagpinta.

Kahanga-hanga ka MJ Keep it Up! <3

Narito ang ilang ulat mula sa ABS CBN:

Noong Hunyo ay na-feature na rin siya sa ABS CBN: