Kamara, hindi pinayagan ang mga abogado ni Sereno na kumatawan sa impeachment complaint

Image from DFN Files

Hindi pinayagan ang mga abogado ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na kumatawan sa kanya sa pagdinig ng komite sa impeachment complaint.

Hindi umano tinanggap ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali ang ipinasang special power of attorney ni Chief Justice Sereno.

Paliwanag ni Umali, hindi puwedeng dipensahan ng mga abogado ni Sereno sa “determination of probable case” ng impeachment complaint na isinampa ni Atty. Larry Gadon.

Ani Umali, wala umanong bearing ang pagdalo ng mga abogado ni Sereno nitong Nobyembre 22, 2017, ayon sa ulat ng Radyo Inquirer.

Ayon pa sa kongresista, ang importante ay ang presence ni Sereno upang makontra nito ang personal na mga ebidensyang ihahain ni Gadon at ng mga saksi.

Sa kabila nito, pahihintulutan pa rin ang mga abogado ng chief justice na dumalo sa nasabing pagdinig.

Samantala, muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang kinalaman sa impeachment case ni Sereno, ayon sa ulat ng Inquirer.

Paliwanag ng Pangulo: “Ma’am Sereno, I’m sorry to tell you and you can investigate the whole town and i-commission mo lahat ng mga journalists who are good at investigative journalism kung may kinausap ako na tao about your impeachment.”