Kiko Pangilinan sa pag-dismiss sa drug charges laban kay Faeldon: “Peke ang drug war”

Image from Kiko Pangilinan's Facebook account

Mariing binatikos ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang pag-dismiss ng Department of Justice (DOJ) sa mga kasong isinampa kay dating Bureau of Customs (BOC) commissioner na si Nicanor Faeldon at iba pang BOC officials hinggil sa P6.4-billion shabu shipment.

Sa kanyang official Facebook account, tinawag ni Senador Pangilinan na peke ang drug war ng Duterte administration.

Aniya, kapag daw kakampi (ng administrasyon) ay pinalulusot at kapag katunggali ay iniipit.

Nanawagan din ang senador sa mga sumasang-ayon sa kanyang sentimyento na ipamalas umano sa social media at anumang paraan ang galit sa diumano’y pambababoy at pambubusabos ng DOJ sa katarungan at hustisya sa bansa.

Ang pahayag ng senador ay matapos ma-dismiss ang drug charges laban sa dating BOC commissioner pagkat diumano ay nabigo ang Philippine Drug Enforcement Agency na magprisinta ng karagdagang ebidensiya na magpapatunay na nilabag ni Faeldon at iba pa ang Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Narito ang buong Facebook post ni Senador Kiko Pangilinan: