Kilalanin si “Ivy Agnas” at mga nakatutuwang reklamo ni Vice sa kasal ni Anne

Image Capture of Video by ABS-CBN via Youtube channel

Balik trabaho na nga si Anne Curtis sa “It’s Showtime” at talagang handa na siyang makipagkulitan sa barkada.

Sa kanyang pagbabalik ay sinalubong siya ni “Ivy Agnas”, ang bagong mukha ni Vice Ganda sa Tawag ng Tanghalan. Tawa nang tawa ang mga fans nang lumabas si Vice bilang isang “bride in black.”

Noong una ang akala ay ikakasal siya kay Jhong Hilario ngunit dumiretso ito at si Rey Valera pala ang gusto.

Panay kulitan ang magkakaibagan tungkol sa pagiging single ni Vice. Nang tanungin siya kung anong edad gusto niya ikasal, seryosong sagot ni Vice ay, “sana naman bago ako mag-100.”

Masayang inalala rin nila ang engrandeng kasalan nila Anne at Erwan sa New Zealand. Dito na nagsimulang magreklamo si Vice kung gaano kahaba ang biyahe nila. Aniya, “Sa sobrang tagal namin sa eroplano, nararamdam kong humahaba na iyong bigote ko.”

Panoorin ang mga kuwelang banat ni Vice sa video mula sa ABS-CBN Youtube channel.

 

 

Source :

Youtube, Youtube