Maine, nagsalita tungkol sa umano’y ‘di pagpansin sa kanya ni Gabbi

Mga imahe mula sa Facebook pages na Gabbi Garcia at Maine Mendoza

Nanawagan ang aktres na si Maine Mendoza sa mga fan niya na nambabash sa kanyang kapwa Kapuso actress na si Gabbi Garcia.

Sa video na in-upload ng isang Twitter user, makikita si Mendoza na kasama ang mga artista sa kabilang istasyon, kasama na rito ang Kapamilya actress na si Julia Barretto.

“Watch Menggay with ABS stars! Julia is so sweet! #ALDUBTuwingKasamaKa #MAINExBenchUnderTheStars,” sabi ni Twitter user @jenasis818 sa caption ng kanyang video.

Makikita sa nasabing video ang pagiging malambing ni Barretto kay Mendoza.

Walang anu-ano ay lumapit si Garcia at yumakap kay Barretto. Matatandaang matalik na magkaibigan ang dalawa bago pa man sila sumikat sa kanya-kanyang istasyong kinabibilangan nila.

Ngunit wika ni Mendoza, tiyak na hindi lamang siya napansin ni Garcia dahil ito pa nga raw palagi ang unang bumabati sa kanya.

“Hi, guys, please do not bash Gabbi. Clearly, hindi lang niya napansin kaya sana ‘wag na gawan ng issue. She is actually a nice person! Ang totoo niyan, siya pa nga ‘yong palaging lumalapit at bumabati sa akin,” reply ni Mendoza sa Twitter video.

Tumugon naman dito si Garcia, “Thank you, Maine. I appreciate this so much.” Nilakipan niya ito ng heart emoji.

Narito ang video na ini-upload ni @jenasis818: