Manager ni Ellen Adarna nagsalita na hinggil sa pagbubuntis ng aktres

Image via Instagram account of maria.elena.adarna

No show si Ellen Adarna sa “Under the Stars” fashion show ng kilalang clothing brand na Bench nitong Sabado, Oktubre 18.

Inabangan ng marami ang sana’y pagrampa ni Ellen, lalo na’t ibinahagi pa niya sa kanyang Facebook page ang mga larawan para sa fashion show.

Kamakailan ay pumutok ang balita na nagdadalantao si Ellen ngunit wala pang malinaw na kumpirmasyon hinggil dito.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, ang anumang rebelasyon ni Ellen ay depende sa kanyang advertising contracts na magtatapos sa Bagong Taon.

Nakasaad  umano sa ilang advertising contract ang clause na bawal magbuntis ang isang babaeng endorser habang ito’y may kontrata.

Paalala naman ng manager ni Ellen,  ang aktres lamang ang may karapatang magbahagi ng kanyang sitwasyon.

Ayon kay Pia Campos: “At the moment, I can assure you that Ellen is well and happy. And if there are rumors to be admitted or dispelled, it’s her story to tell when she is ready to do so.”

[“Sa kasalukuyan, natitiyak kong maayos at masaya si Ellen. Kung mayroon mang mga tsismis na dapat mabigyan ng linaw, siya lang ang may karapatang magpahayag kapag handa na siya.”)

Noong Setyembre, kumalat sa social media ang mga retrato at video ng bakasyon sa Cebu nina Ellen at ng iniuugnay sa kanyang aktor na si John Lloyd Cruz.

Nitong mga nakalipas na  buwan ay pinagpiyestahan sa social media ang mga larawan at video  ng dalawa.

Kasunod nito ang mga social media post ng dalawa habang nagbabakasyon sa Europa.

Ang dalawa ay suportado ng mga kasamahan nila sa industriya.

Panoorin ang ulat na ito ng ABS CBN para sa iba pang detalye:

ellen

Source :

ABS CBN, PEP