‘Miracle lady:’ OFW himalang nakaligtas sa pagka-comatose at brain aneurysm, hindi pinabayaan ng kanyang amo

Imahe mula sa GMA Video via You Tube

Hindi lahat ng OFW ay nakararanas ng pagmamalupit sa kanilang amo.

Isang kasambahay na overseas Filipino worker (OFW) sa Singapore ang itinuturing na ‘miracle lady’ makaraang malagpasan nito ang pagiging comtose dahil sa brain aneurysm.

Ayon sa ulat ng GMA, himalang nakaligtas si Riza Anne Bernabisa sa tatlong araw pagkaka-comatose sa Singapore bunga ng brain aneurysm na nauwi sa stroke.

Ang nakatutuwa nito’y hindi pinabayaan ng kanyang employer si Riza.

Ayon kay Jasmin, kapwa kasambahay ni Riza,  inihahanda niya ang gamit ng alaga na papasok sa paaralan nang makita niya ang kababayan na walang nang malay.

Eksakto naman ang dating ng amo nilang babae na kaagad na tumawag ng ambulansya.

I thought she was dying in my arms, right in front of me. And my children was just next to me. As a mother, I wanted to protect my kids but I have to save her life,” salaysay  ni Celine Lacouture, amo nina Riza at Jasmin.

Kahit malaki ang bayarin sa operasyon, hindi raw nagdalawang-isip si Celine na tulungan ang kanilang kasambahay.

My husband and I decided, we’re still young, we can still make money. But we have to save her life. That is the most important thing,” ani Celine.

Nasa tinatayang S$100,000 o halos P4 milyon ang unang operasyon ni Riza.

Hiniling daw ni Riza na huwag muna siyang kunin para sa kaniyang mga magulang at mga kapatid.

Kaya naman himalang maituturing ang agarang pag-recover ni Riza kahit pa matindi ang naging kondisyon ng kaniyang kalusugan.

Labis ang pasasalamat ng kasambahay sa kaniyang mga amo na hindi siya pinabayaan.

Ang ‘miracle story’ na ito ni Riza ay inilabas pa sa isang international news website.

Tatlong beses inoperahan si Riza. Marami man ang tumulong sa kaniyang naging gastusin, may natitira pang S$ 77,000 o halos P3 milyon na kailangang bayaran sa ospital kaya umaapela siya ng tulong.

Panoorin ang ulat na ito ng GMA News TV para sa iba pang detalye:

Source :

You Tube, GMA, TNP