Naaalala n’yo ba si Badjao Girl? Isa na siyang estudyante at model ngayon

Images by Rita Gaviola via Facebook page

Naalala n’yo pa ba si Badjao Girl?

Siya ay kilala na ngayon sa tunay niyang pangalan na Rita Gaviola.

Si Rita ay sumikat nang may kumuha ng kanyang litrato habang namamalimos sa Pahiyas Festival sa Quezon. Naging viral ang kanyang larawan dahil sa kanyang angking ganda. Noong una raw ay natakot siya nang hinanap siya ng mga pulis dahil akala niya ay huhulihin siya. Ngunit laking gulat na lang niya na ito na pala ang simula ng mga pagbabago sa kanya at sa kanyang pamilya.

Bumuhos ang mga tao na gusto silang tulungan. Kaliwa’t kanan na ang mga interview at mga shows niya noon na gusto siyang makapanayam. Kuwento pa ni Rita noon sa Inquirer, minsan ay isang beses lang sa isang araw sila kumain. Lima silang magkakapatid at madalas siyang namamalimos kasama ang kapatid.

Ang Mayor ng Lucena na si Roderick Alcala ay binigyan ng trabaho ang ama ni Rita sa city government’s general services office. Laking tuwa rin ni Rita na binigyan siya ng scholarship kaya hanggang ngayon ay focus siya sa pag-aaral. Ang pangarap raw talaga ni Rita ay maging isang guro upang turuan ang mga bata sa lansangan.

Noong Mayo lamang ay nagdiwang si Rita ng kanyang ika-14 na kaarawan. Tuwang-tuwa ang dalagita sa inihandang selebrasyon ng kanyang mga fans para sa kanya. Suot ang napakagandang pink ball gown ay naging prinsesa ang dalaga sa kanyang kauna-unahang birthday celebration.

Aniya sa ABS-CBN, “Hinding hindi ko po malilimutan ang kaarawan kong ito, dahil first time ko pong mag celebrate ng birthday at ganito pa! Maraming maraming salamat po sa nag-ayos at nag-asikaso para mangyari din ito.”

At hindi pa tapos ang pagbuhos ng biyaya para kay Rita. Kahit busy siya sa pag-aaral ay may mga trabaho pa ring kumakatok sa kanya. Noong Setyembre lang ay rumampa siya sa isang fashion show sa Market Market.

Thank You po Papa God💞💋😘

A post shared by Rita Gaviola (@babyrita13) on

A post shared by Rita Gaviola (@babyrita13) on

A post shared by Rita Gaviola (@babyrita13) on

Ilang sa mga throwback photos ni Rita.

Palimos pooo!!!💜With my cousin👶💕😂😂

A post shared by Rita Gaviola (@babyrita13) on

First family picture sana namin kaya lang wala c kuya jecsan dito 👪💟💞 #throwback

A post shared by Rita Gaviola (@babyrita13) on

Nitong Oktubre ay ibinahagi rin sa kanyang FB page na: “Meron na pong inumpisahan na movie si Rita.”

Ang larawan niyang naging viral na pinagsimulan ng lahat ng pagbabago sa kanyang buhay.

Image by Badjao Girl OFC via Facebook page
Image by Badjao Girl OFCL via Facebook page