Neri Naig may madamdaming mensahe sa pumanaw na ama: “Matagal na kitang pinatawad”

Images by Neri Naig-Miranda via Instagram account

Ang dating Star Circle Quest contestant na ngayon ay maybahay na ni Chito Miranda, si Neri Naig, ay may iniwang madamdaming mensahe para sa pumanaw na ama.

Mukhang hindi naging maganda ang naging relasyon ng mag-ama dati dahil sinabi ni Neri na, “Hindi na tayo nagkaabot pero pinapatawad na kita.”

Kuwento ni Neri sa kanyang Instagram account, ilang araw bago pumanaw ang kanyang ama ay nagpahiwatig daw ito. Aniya, “Few days ago naglilinis ka daw ng bahay kase sabi mo daw may bisita ka, uuwi daw ako. Wala akong pinagsabihan na uuwi ako.”

Balak na talagang bisitahin ni Neri ang kanyang ama upang ipakilala ang kanyang anak na si Miggy. Bigla raw nasabi ni Neri na nais niyang makunan ng picture ang maglolo dahil “baka ‘di ko na maabutan.”

Mukhang naging tama ang hinala ni Neri dahil pumanaw na ang kanyang ama bago pa sila bumisita. Kinunan pa rin ng picture ang maglolo at sabi niya sa ama, “Hindi tayo nagka abot. Pero matagal na kitang pinatawad. Si Miggy pala, Dad, ang anak ko. Hindi mo man siya nabuhat pero paglaki niya, ikukuwento ko lang lahat ng masasayang ala ala ko sa ‘yo.”

Tunay nga na dapat laging may puwang ang pagpapatawad lalo na sa ating mga mahal sa buhay.

Source :

Instagram, Push