Petmalu! Rocco Nacino nagtapos ng kanyang Master’s Degree in Nursing, Cum Laude

Imahe mula sa Instagram account ni Rocco Nacino

Itinuturing na malaking inspirasyon ngayon ang aktor at model na si  Rocco Nacino makaraang makalusot at mairaos ang kanyang thesis defense nitong November 21.

Ayon sa ulat ng PEP, si Rocco ay kumuha ng kanyang Master of Arts in Nursing habang abala sa kanyang mga proyekto at business ventures at nag-present ng kanyang thesis sa panel ng deans/doctors sa St. Bernadette of Lourdes College sa Fairview, Quezon City kamakailan.

Ang thesis ni Rocco ay may pamagat na: ‘Use of Interactional Parenting and Reciprocal Behavior for Children: Basis for Total Development of a Child.’

Ilang oras bago ang kanyang defense ay nagpahayag pa ito ng kaba sa kanyang social media account.

Ayon sa caption ni Rocco: ‘Thesis defense today for my Masters program. Have to admit, mas kabado pa ako today kesa sa Bench show nung sabado. Hope i pass today!’

Katatapos lamang ni Rocco sa Bench Under the Stars underwear and fashion show at umani rin ito ng atensyon.

Humiling din ng panalangin ang model at umaasang magugustuhan ng panel ang kanyang presentasyon.

Nagpakita rin ang 29-anyos ng video ng kanyang dean sa loob ng silid.

Ani Rocco, “My dean is discussing my grade. Will I pass? Will I get a good grade? Just finished. I’m so happy!”

Kasunod nga nito’y ang magandang balita na nairaos niya ang kanyang thesis defense.

Finally, another one checked off my bucket list!” ani Rocco. “Passed my thesis defense and am set to graduate as a cum laude this Friday!

It’s been a crazy 2 years of balancing everything, and now I am almost at the finish line.”

Ang tagumpay na ito’y inialay niya sa kanyang mga magulang na sina Ralph at Linda Nacino.

This one’s for you mom and dad!

It’s a different sense of fulfillment when it comes to pursuing education. And now I can finally breathe a huuuugge sigh of relief!”

At ang kanyang bagong titulo: “I am now Enrico Raphael Quiogue Nacino, R.N, M.A.N. (Registered Nurse, Master of Arts in Nursing). To God be the Glory!”

Finally, another one checked off my bucket list! Passed my thesis defense and am set to graduate as a cum laude this Friday! It's been a crazy 2 years of balancing everything, and now I am almost at the finish line. This one's for you mom and dad! It's a different sense of fulfillment when it comes to pursuing education. And now I can finally breathe a huuuugge sigh of relief! Thank you to my panel of doctors who pushed me to my limits today, at the end of the day, these people push you because they only want what's best for you. Thank you also St. Bernadette of Lourdes college and its staff for being patient with my schedules. I did it! I am now Enrico Raphael Quiogue Nacino, R.N, M.A.N.(Registered Nurse, Master of Arts in Nursing). To God be the Glory! 🙏🏼

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco) on

Si Rocco ay naging registered nurse noong 2009.