Rayver, pasado sa ama ni Janine na si Monching

Mga imahe mula sa Facebook pages ng Rayver Cruz (RAYVERLOVERS) at Team Gutierrez

Pasado ang aktor na si Rayver Cruz kay Ramon Christopher “Monching” Gutierrez, ang ama ng aktres na si Janine Gutierrez.

Ayon sa Abante, madalas ngayong nakakasama si Rayver sa mga family event nina Janine kaya naman marami ang nagtataka kung magkasintahan na ba ang dalawa.

“Honestly, hindi ko sila inuusisa, e. Nakakasama nila ako sa mga dinner. Mga ganoon, sobrang close naman kasi si Rayver sa family namin dahil mabait naman talaga siya, pero hindi ako ‘yong matanong. Hinihintay ko na lang na sabihin nila kung ano sila,” ani Monching.

Bagamat hindi pa sigurado kung magkasintahan na ba ang dalawa, ayos naman daw si Rayver para sa kanya.

“So, kung mag-on na ba sila o nanliligaw pa lang si Rayver, hindi talaga ako sure. Pero okay naman silang dalawa. Palagi naman silang magkasama. They really spend time together,” ani Monching.

Thank you for making my star magic ball extra memorable and special 💫 📸 @bjpascual

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz) on

Sa isang naunang panayam, sinabi ni Rayver na nagde-date sila ni Janine.

“Dating, and ine-enjoy namin iyong time na magkasama kami. Busy siya, e. Busy siya ngayon sa mga trabaho niya. So kapag may free time, pinupuntahan ko siya o nagkikita kami somewhere. Lumalabas kami with her friends. Or kapag may time, kaming dalawa lang,” kuwento nito.

Sinabi rin ni Rayver na napakaespesyal para sa kanya ni Janine at masaya siya sa kung anuman ang mayroon sila.

Narito ang panayam kay Rayver: