Sanggol sa Isabela may 4 na kamay, 4 na paa, at 2 ari

Image capture of video by GMA via YouTube channel

Nakaaantig ng puso ang kalagayan ng isang bagong silang na sanggol.

Sa Malig, Isabela ay isinilang ang isang sanggol na lalaki na may apat na kamay, apat na paa, at dalawang ari; isang kalagayan na masasabing hindi normal.

Sa ulat ng GMA News ng Unang Balita nitong Huwebes, sabi ng ina nito na nagulat sila dahil sa nakitang kondisyon ng kanilang anak na si Junior Javier na tila may nakapatong pa na isang katawan sa dibdib nito na hindi nabuo.

Ayon sa ina ng sanggol, normal naman itong nakita at maayos ang kalagayan nang ipasuri sa pamamagitan ng ultrasound, at wala rin siya umanong naramdaman na kakaiba noong ipinagbubuntis ang anak.

Muli umano nilang ipapasuri ang sanggol at humihingi sila ng tulong kung sakaling kakailanganin ng operasyon ng bata. Nawa’y maging maayos ang kalagayan ni Junior.

Paanorin ang buong detalye sa video: