‘Stolen moments’: Ellen Adarna nagbahagi ng kanilang latest picture ni John Lloyd

Imahe mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Usap-usapan pa rin ang diumano’y pagbubuntis ni Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz.

Ngunit sa kabila ng mga ispekulasyong ito tungkol sa kanyang pananahimik sa kanyang pagbubuntis, nagbahagi pa si Ellen ng kanilang larawan ni Cruz.

Sa Instagram post ni Ellen, ibinahagi nito ang latest picture nila ni Cruz ilang araw makaraang maiulat na buntis si Ellen.

Ito ay may caption na: “Stolen moments.” Hindi naman nakita sa larawan ang  tiyan ni Ellen.

Stolen moments 🌈🌠 @ekomsi

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Matatandaang no show si Ellen sa “Under the Stars” fashion show ng kilalang clothing brand na Bench nitong Sabado, Oktubre 18.

Nauna nang inihayag ng manager ni Ellen na ang aktres lamang ang may karapatang magbahagi ng kanyang sitwasyon.

Ayon kay Pia Campos: “At the moment, I can assure you that Ellen is well and happy. And if there are rumors to be admitted or dispelled, it’s her story to tell when she is ready to do so.”

Noong Setyembre, kumalat sa social media ang mga retrato at video ng bakasyon ng dalawa sa Cebu.

Kasunod nito ang mga social media post ng dalawa habang nagbabakasyon sa Europa.

Ang dalawa ay suportado ng mga kasamahan nila sa industriya.