Tom Doromal nagkuwento ng tunay na nangyari sa pagkalunod ni Franco

Image by Franco Hernandez and Image Capture of Video by ABS-CBN Youtube channel

Tuluyan na ngang namaalam si Franco Hernandez matapos itong ma-cremate. Bumuhos ang luha ng kanyang pamilya at mga kaibigan na dumalaw sa huling gabi ng burol ng binata.

Ang kaibigan at kasamahan ni Franco na si Tom Doromal ay nagkuwento naman sa tunay na nangyari nang malunod si Franco. Kuwento pa ni Tom sa Balitang K, inimbitahan niya si Franco kasama ang kanyang girlfriend na si Nam Floresca sa kanilang resort upang makapag-relax.

Sa airport pa lang papunta ng Davao ay tila inabot na sila ng aberya at muntik nang hindi matuloy. Naiwan sila ng kanilang eroplano kaya kinailangan pa nilang magpa-rebook. Ngunit natuloy pa rin dahil excited raw silang lahat.

Sakay ng bangka upang mamasyal ay napansin na raw nilang lumalaki ang alon. Laking gulat nilang lahat na pinasok na ng tubig ang kanilang bangka.

Noong una ay mga lalaki lamang ang tumalon ngunit tuluyan na ngang napuno ng tubig ang bangka. Tumalon na silang lahat sa tubig. Si Franco at ang kanyang nobya ay umabot raw sa malalim na parte na. Ni-rescue sila ng mga bangkero ngunit “unconscious” na nang nakuha si Franco.

Pilit nila itong ni-revive ngunit hindi na talaga gumagalaw. Dinala rin nila ito agad sa ospital ngunit “dead on arrival” na ang binata. Inisip raw ni Tom na baka binigyan na sila ng senyales ng Diyos na huwag nang tumuloy pero hindi nila ito naisip noon.

Ayon naman sa ama ni Franco na si Raul Lumanlan ay pinayagan nila si Franco dahil nakita nila itong pagod na pagod sa trabaho.

Sa huli, gusto lang nila ipaalam kay Franco na masakit man na iniwan na sila, sana raw malaman ni Franco kung gaano karami ang nagmamahal sa kanya.

Maaaring mapanood ang video ng Balitang K mula sa ABS-CBN Youtube channel.

 

Source :

ABS-CBN, Youtube