Vice Ganda, naghatid ng saya at ngiti sa huling gabi ng burol ni Franco

Images by Franco Hernandez via Instagram account

Napuno ng tuwa kahit sandali ang dapat ay napakalungkot na gabi ng burol ni Franco Hernandez.

Ang pagkamatay ni Franco dahil sa pagkalunod, ay talagang hindi inasahan ng lahat. Sa huling gabi ng kanyang burol ay dumalo ang kanyang mga kaibigan at katrabaho kasama na si Vice Ganda.

Upang mapawi kahit sandali ang mabigat na damdamin ng lahat ay pilit pinatawa ni Vice Ganda ang mga bisita. Biro pa ni Vice sa mga magulang ni Franco, “Mahal ko po ang anak n’yo. Pero hindi po kami mag-jowa, hindi po ako pumapatol sa below 5’7. Halos lahat po ng jowa ko ay 6-footer, mythical 5, PBA level, joke, charot!”

Biro rin niya na nagsimula ang friendship nila ni Franco nang sabay silang mag-audition sa Hashtags.

Si Vice ay umaming nasaktan sa pagpanaw ni Franco dahil malapit talaga ito sa kanya. Aniya sa ABS-CBN, “Siguro kaya ginawa na rin akong bakla ng Diyos, para hindi talaga ako magkaanak. Kasi ito pa lang, hindi ko totoong anak pero hindi ko kinakaya.”

Maaaring mapanood ang buong kuwento ni Vice mula sa Showbiz Philippines Youtube channel

Source :

ABS-CBN, Youtube