[Video] KathNiel, isinusulong ang laban kontra cyberbullying

Mga imahe mula sa YouTube videos ng STARRING OF THE DAY at Happy RichTV

Isinusulong ngayon ng aktres na si Kathryn Bernardo at ng ka-love team niyang si Daniel Padilla ang paglaban sa cyberbullying.

Ayon sa PEP, ikinuwento ni Bernardo, ang other half ng popular na tambalang KathNiel, na madalas siyang maging biktima ng cyberbullying. Umabot din daw sa punto na talagang nagkulong siya sa kuwarto.

“Sobrang dami, pero siguro ang pinakamalala, noong election. Dumating ako sa point na nagkulong ako sa kuwarto, hindi ako kumakausap ng kahit sino. As in, sobrang na-depress ako… sobra-sobra ang na-receive naming pamba-bash sa lahat ng tao nung time na ‘yon,” aniya.

Ang tinutukoy ng aktres ay noong 2016 elections, kung saan ikinampanya nila ni Padilla ang kandidatura ni Mar Roxas ng Liberal Party bilang pangulo.

“And until today, every day, kapag nag-social media ka… that’s why I turned off my comment section. And also sa Twitter, parang bihira na akong mag-Twitter, kasi ang bilis kumapit lang, especially before. Ang daming puwedeng sabihin sa amin, especially nga public figure kaming pareho. Siguro naging magandang move talaga namin at advocacy namin ay ito pong fight cyberbullying,” dagdag niya.

Dahil ambassadors ng Red Cross sina Bernardo at Padilla, kaisa nila ito sa pagsulong sa nasabing adbokasiya.

“Ayaw po namin na next five years, next ten years, mas lalo pa itong lumala. Kasi na-feel namin kung gaano siya kahirap, kung ano ang struggle na napi-feel mo kapag ikaw ang nabu-bully mismo sa social media. We don’t wanna continue that, sana maging stepping stone ito ng lahat para mas maging aware na seryoso ‘tong bagay na ‘to. Sana makatulong, kasi we’re happy na kasama namin ang Red Cross, at sana lang mas marami ang tumulong sa campaign namin na ito,” wika ng aktres.

Dagdag pa niya, napagtanto niya na hindi tama na tumahimik na lamang ang mga biktima nito dahil iisipin ng mga ito, tama ang kanilang ginagawa.

“Kasi kapag nabu-bully ka, hindi lang nasisira ang araw mo… nagli-lead into depression, especially sa mga teenagers, citing statistics, thirteen to seventeen years old, eighty percent dito sa Philippines, naka-experience siya ng cyberbullying. Ganun kalaki… na-experience ‘yun. Kung may maipapayo ako sa lahat, take a stand and join us in our campaign para makapag-create tayo ng noise. Para ‘yung gusto nating maisabatas… tayong mga kabataan, tayo ang magsimula. Kailangan nating mag-create ng noise,” paliwanag niya.

Narito ang video ng pagsagot ng KathNiel sa mga katanungang may kinalaman sa cyberbullying:

 

Source :

PEP, Abante, YouTube