VIRAL: Pahirapan sa pagpapainom ng gamot sa bata? Netizen nag-demo ng isang epektibong paraan

Image capture of video by Agapito Tayao del Rosario via Facebook Account.

Mga nanay, mga tatay  —  may magandang solusyon na sa problemang pagpapainom ng gamot para sa inyong mga anak!

Kadalasan, hindi madaling magpainom ng gamot sa mga batang maliliit pa. Hindi rin makuha sa pakiusapan at kapag pinilit ay nagkakandaiyakan at natatapon pa ang gamot. Paano na?

Well, baka makatulong ito sa mga nahihirapang magpainom ng gamot sa kanilang mga may sakit na anak, pamangkin o inaalagaang bata.

Sa Facebook post ni Agapito Tayao del Rosario, 24 anyos, taga Angeles City, Pampanga ay ibinahagi niya ang video ng isang epektibong paraan ng pagpapainom ng gamot sa bata. Marami ang natuwa dahil sa kakaibang ginawa niya upang mapainom ng gamot ang kanyang pamangkin.

Nag-viral ito sa social media pagkat ang tiyuhin na ito ay walang kahirap-hirap sa pagpapainom ng gamot sa kanyang pamangkin na si Raphael Lorenzo “Enchong” del Rosario Nucup na 2-anyos pa lamang. Dahil sa kakaibang istilo ay makikita sa video na napainom na ng gamot ang bata. No sweat!

Ang kanyang video post ay umani ng mga magagandang komento. Umabot na rin sa mahigit 1.7M views, 54K reactions, mahigit na 28,600 shares at grabe — 16,000 na komento!

Sabi ng ilan: “Nice idea!”

“Magawa nga rin ito!”

Nagbahagi rin ang ibang netizens ng kahawig na istilo ng pagpapainom sa kanilang mga anak.

Panoorin ang nakatutuwang video na ito ni Del Rosario:

Source :

Facebook