Barkada ni Jollibee hinarap sina McDonald sa isang showdown na kinagiliwan ng mga netizens

Image Capture of Video by Lhen Mana-ay via Facebook account

Ultimate showdown! Sino ang tunay na hari ng fastfood chains sa ‘Pinas?

Sa isang viral video na kumakalat sa social media, aliw na aliw ang mga netizens sa showdown ng Jollibee at McDonald’s mascots.

Sa video na kuha ni Lhen Mana-ay at inupload sa Facebook ay makikita ang tapatan ng magkaharap na fastfood chains. Sa kabila ay makikita ang bibong dance moves ni Jollibee kasama ang kanyang tropa. Binabati rin nila ang mga dumaraan.

Sa tapat naman ay lumalaban ang banda nila Ronald McDonald kasama si Grimace at Hamburglar. Makikitang tuwang-tuwa ang mga tao pati na ang mga staff sa tapatan. Ito pala ay opening day ng magkatapat na fastfood chains kaya pabonggahan sila sa mga taong dumaraan. Matatandaang naaliw rin ang mga netizens dati sa showdown ng mascots ng Vivo at Oppo noong isang buwan.

Talaga namang good vibes kaya umani na ito ng halos 2 million views mula sa mga netizens.