Biro ni Raymart kay Jane: Parang puwede kitang girlfriend

Mga imahe mula sa Facebook page na Jane Oineza at Instagram account ni @raymartsantiago

Parang puwede kitang girlfriend.

Ito ang biro ng aktor na si Raymart Santiago sa young actress na si Jane Oineza.

Ayon sa PEP, unang araw daw ng taping nang biruin ni Santiago ang aktres, na gumanap bilang anak niya sa pelikulang Haunted Forest, na parang girlfriend niya ito dahil sa malaking babae ito.

“Day one pa lang, okay naman siya. Pero umpisa pa lang, (nagtanong ako), ‘Anak ba kita? Parang p’wede kitang girlfriend ah,'” natatawang kuwento ni Santiago.

“‘Ang laking tao, e, paano tayo magiging mag-ama?’ Pero okay lang,” dagdag niya.

Samantala, hindi raw nalalayo sa tunay na pagkatao niya ang karakter na ginampanan niya sa horror film.

“Yong character ko dito, parang sa totoong buhay. Father ako na very protective sa anak,” aniya.

Kuwento pa niya tungkol sa pelikula, “Mayroon akong asawa dito na namatay. Gusto ko muna makalimot kaya nagpa-assign ako sa province. May conflict kami ng anak ko kasi millennial, wala masyadong signal sa probinsiya. Typical teenager-father relationship. Napag-tripan siya nung sitsit.”

Narito ang isa sa mga eksena ni Santiago sa Haunted Forest:

Narito ang trailer ng Haunted Forest:

Fact-checked against the following source(s) :

PEP, Instagram, YouTube