Chito Miranda sa kanilang 3rd year wedding anniversary ni Neri Naig: “I want to live life with you hanggang tumanda tayo.”

Imahe mula sa Instgram account ni Chito Miranda

“I wanna make you smile whenever you’re sad. Carry you around when your arthritis is bad. All I wanna do is grow old with you.”

Isa sa mga patunay na kapiling mo na ang iyong love of your life ay kapag sinasabi mo sa iyong partner ang katagang: “All I want do is grow old with you.”

Ipinagdiriwang ngayon ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig ang kanilang third year wedding anniversary.

Sa Instagram post ni Chito, ibinahagi nito ang mga matatamis niyang mensahe sa kanyang misis.

Three years pa lang tayo kasal pero iyong three years na iyon, ako pinakanaging masaya sa buong buhay ko,” ani Chito sa kanyang caption.

Sobrang excited ako sa mga darating pa na mga taon, and to live life with you hanggang tumanda tayo.”

Pangako pa niya: “Aalagaan, aalalayan, papatawanin, gagabayan, susuportahan, poprotektahan, at mamahalin kita hanggang sa dulo ng mga buhay natin.”

Labis ang pasasalamat ni Chito sa kanyang misis: “Basta thank you, Mrs. Miranda. Mahal na mahal kita.

12.13.14 Eto yung araw na naging akin ka na forever. Wala ka nang choice kasi pumirma ka na hahaha! 3 years pa lang tayo kasal pero yung 3 years na yun ako pinaka naging masaya sa buong buhay ko…at sobrang excited ako sa mga darating pa na mga taon, and to live life with you hanggang tumanda tayo. Aalagaan, aalalayan, papatawanin, gagabayan, susuportahan, poprotekahan, at mamahalin kita hanggang sa dulo ng mga buhay natin. Ang sarap sarap ng pakiramdam na may pamilya na tayo. There is this constant feeling of being loved by the person that I love, giving me a warm sense of comfort of being home. Pasensya na. Di ko ma-explain ng maayos yung nais ko i-express…di kasi ako sanay gumawa ng mahabang caption eh. Basta thank you, Mrs.Miranda. Mahal na mahal kita.

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

Taong 2014 nang ikasal ang sina Chito at Neri. Makaraan ang dalawang taon ay isinilang ang kanilang first baby na si Miguel Alfonso.

Cat's in the cradle…

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, ABS CBN