Dennis, maagang nag-celebrate ng Pasko kasama ang mga anak

Mga imahe mula sa Instagram account ni @dennisastig

Maagang nag-celebrate ng Pasko ang aktor at direktor na si Dennis Padilla kasama ang kanyang mga anak, kabilang na ang popular na aktres na si Julia Barretto.

Ayon sa PEP, kamakailan ay magkakasamang naghapunan sina Dennis at ang kanyang mga anak sa ex-wife niyang si Marjorie Barretto at sa current wife niyang si Linda Gorton. Sa isang Japanese restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kumain ang mag-aama.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Dennis ang ilan sa mga larawan nilang mag-aama.

xmas dinner with the kids

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig) on

love u all !!

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig) on

Sa isang post ay binati niya ang anak na si Julia, ang aktres na other half ng sikat na love team na JoshLia.

merry xmas juy!!!

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig) on

Samantala, makikitang wala sa mga larawan ang pangalawang anak nila ni Marjorie na si Claudia.