Driver na nag-drifting exhibition sa Tomas Morato, tukoy na ng LTO

Image capture of video by GMA News

Noong una ay hindi naging madali ang pagtunton sa kotseng itim at driver nito na nag-drifting exhibition sa Tomas Morato sa Quezon City noong Linggo ng umaga, ika-10 ng Disyembre. Wala iyong plaka at ang conduction sticker ay hindi maaninag dahil sa malabong kuha ng CCTV camera sa nasabing lugar.

Subalit ayon sa ulat ni Jun Veneracion ng GMA News, isang netizen ang nagpadala sa kanya ng larawan ng nasabing kotse at kilala umano nito ang driver.

Dahil sa impormasyon ay natunton ng Land Transportation Office (LTO) ang bahay na tinutuluyan ng driver na napag-alamang TVNS (transportation network vehicle service) driver pala.

Nagpadala ng show cause order ang LTO at pinahaharap ang driver sa tanggapan ng LTO sa Disyembre 21.

Wala ang driver sa kanyang tinutuluyan kaya ang tiyuhin nito ang tumanggap ng show cause order mula sa LTO. Ayon sa tiyuhin, regalo ng mga kaanak ng driver ang kotse upang makapaghanapbuhay ito bilang TVNS driver.

Hindi umano kukunsintihin ng mga kaanak kung mapatutunayan na ito nga ang gumawa ng drifting exhibition sa Quezon City.

Ayon naman sa LTO, maaaring matanggalan ng lisensiya ang driver dahil sa mga nilabag na batas-trapiko