Duterte gagamit ng rubber bullets at batuta laban sa PISTON at sa mga tutol sa jeepney modernization program

Image from Presidential Communications Office

Pinaghahanda na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa pagbili ng maraming rubber bullets at ihanda ang mga batuta para sa grupong PISTON at iba pang transport group na hindi pabor sa jeepney modernization program ng pamahalaan.

Ayon sa ulat ng Radyo Inquirer, sinabi ni Duterte na hindi niya uurungan ang grupo ni PISTON President George San Mateo na ayaw palitan ang mga bulok na jeepney sa kalsada.

Ani Duterte: “Itong PISTON hindi raw sila susunod…tingnan natin. I’m preparing AFP and PNP na bumili sila ng rubber bullets…hihilain ko talaga kayo”.

Sinabi pa ng Pangulo na wala siyang pakialam kahit pa maging masalimuot ang bansa sa hindi pagtalima ng PISTON sa polisiya ng pamahalaan.

Wika pa nito, nakadidismaya dahil hindi maikakaila na matindi na ang polusyon sa hangin dahil sa maitim na buga ng mga tambutso ng mga lumang jeepney.

Kapag pinilit ng transport group o ng komunistang grupo ang impunity, ang itutugon lamang ng pangulo ay ginaya niya lamang sila at nangopya lamang siya sa kanila.

“Itong left itong bagong modernization…we are being killed everyday slowly kita mo ang fumes sa Manila sunset,” ani Duterte.

Nauna nang inihayag ni Duterte na sa simula Enero 1, 2018 ay ipatutupad na nito ang jeepney modernization program.