Duterte, nagbigay ng P100 milyong donasyon sa Veterans Memorial Medical Center

Image from PCOO Facebook page

“Good news para sa Filipino Veterans!”

Nagbigay ng P100 milyong donasyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Sa pahayag ng Malacañang, ipinangako ni Pangulong Duterte na bago matapos ang taong kasalukuyan ay magbibigay pa ito ng higit pang donasyon sa VMMC na manggagaling sa pondo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Inutusan din ng Commander-in-Chief ang mga opisyal ng naturang pagamutan na gamitin ang nasabing donasyon upang makabili ng dekalidad na medical equipment para sa ikabubuti ng mga pasyente, ayon sa ulat ng Netcitizen.Co.

Wika ng Pangulo: “Buy the best, huwag ‘yung lowest bid… I want quality. Quality ako.”

Nagbigay din ang Punong Ehekutibo ng 19 grocery packages sa mga pasyente na sumasailalim sa hemodialysis, sa kanyang pagbisita sa VMMC, ayon sa ulat ng GMA.

Samantala, sa pagbisita ng Pangulo sa ika-82 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay ibinahagi nito na isa-subsidize ng gobyerno ang mga gamot ng mga sundalo.

Aniya: “They need the management for bills. It’s P50 million monthly para sa AFP. Pati P50 million sa V. Luna [General Hospital].”