Estudyante sa umaga, fashionistang mani vendors sa gabi; ngayon, models na

Images by hugot Beki and Paul-Gino Guevarra via Facebook accounts

Kilalanin ang viral na Dumaguete Divas!

Kung ikaw ay taga-Dumaguete City, imposibleng raw na hindi mo sila nakita.

Sila ang mga fashionistang mani vendors na sina Kurt, Lord at Jon-Jon.

Sina Kurt Sido, Lord Rodriguez at Jon-Jon Calum ay nakilala dahil sa kanilang bibong pagbebenta ng mani. Tuwang-tuwa ang kanilang mga customers dahil sumasayaw, kumakanta at nagmomodeling pa ang tatlong bata para makabenta. At ang pagbebenta ang mani ay talagang pinaghahandaan nila dahil animo’y rarampa sa entablado ang mga ito sa kanilang makukulay na suot.

Isang photographer na si Paul-Gino Guevarra ang talaga namang bumilib sa pagpupursigi ng mga bata. Ikinuwento niya sa kanyang Facebook page na sina Kurt, Lord at Jon-Jon ay mga estudyante sa umaga. Pagsapit ng gabi ay nagtitinda sila ng mani para may pangbaon at makatulong sa kanilang pamilya.

Ani nga ni Guevarra, huwag na natin isipin ang sampung piso na mani. Bagkus, isipin na lang natin na nakatulong tayo sa mga masisipag na mga batang ito. Binigyan rin ni Guevarra ng isang bonggang photoshoot ang mga bata upang mas marami pa ang makaalam ng kanilang kuwento.

Maaaring makita ang ilang mga kuha ni Guevarra sa kanilang masayang photoshoot mula sa kanyang Facebook page.

Eto naman ang kanilang masayang behind-the-scene video: