Gobyerno at makakaliwang grupo, ‘gamitan lang’ — Duterte

Image from KDN Files

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na naggamitan lamang sila ng mga rebelde.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sinabi ni Duterte na itinalaga niya sa Gabinete ang mga makakaliwang personalidad  upang mapagbuti ang ugnayan sa magkabilang panig.

I accommodated them even in the Cabinet hoping that it would improve the quality of our communications. Na masabihan ko, ‘Adre, pwede ba itong ipasa mo?’” ani Duterte.

That’s why their purpose was there, gamitan lang ‘to. And I was using them. Totoo. O bayaran ko kayo ng sweldo, ganito kalaki. You are with government. You have some powers.”

Matatandaang itinalaga ni Duterte ang tatlong makakaliwa sa gobyerno noong siya’y magsimula sa kanyang panunungkulan. Ito’y  sina: Rafael Mariano sa agrarian Reform; Judy Taguiwalo sa Social Welfare Department; at Liza Maza sa National Anti-Poverty Commission (NAPC).

Ni-reject naman ng Commission on Appointments ang appointment nina Mariano at Taguiwalo. Si Maza at si Labor undersecretary Joel Maglunsod na lamang ang makakaliwang  naiwan sa gobyerno.

Nitong Nobyembre, pormal nang pinutol ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng komunistang grupo dahil sa patuloy na pag-atake ng NPA. Idineklara na rin ni Duterte ang NPA at Communist Party of the Philippines bilang  mga terorista.

Ani Duterte walang ginawa ang mga komunista kundi ang:  “recruit people to die and to kill, and to get the things of the people without their consent.”

How can you continue branding them as revolutionaries? You must be crazy,” ani Duterte.

Fact-checked against the following source(s) :

ABS CBN, Inquirer, Balita DF, Balita DF