Heartwarming! Panoorin ang nakatutuwang pag-awit ni Scarlet Snow para sa kaarawan ng kanyang yaya

Imahe mula sa video ni Anita Almedilla Instagram account

Kamakailan ay nagdiwang ng kaarawan ang Yaya ni Scarlet Snow Belo na si Anita Almedilla at tiniyak naman ni Scarlet na gawin itong mas espesyal para sa kanya.

Ipinost naman ni yaya Anita ang pag-awit ng kanyang alaga para sa kanya at ipinagmamalaki ang magaling na bata sa kanyang Instagram account.

Nakabibighani namang talaga ang batang ito na anak nila Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Bukod sa nauna ay mayroon pang isang video si Scarlet Snow para sa mahal niyang yaya.

“I love you, Yaya Anita,” saad ni Scarlet sa video na ibinahagi ng Showbiz Elite sa YouTube:

 

 

Sa Instagram man ay may larawan ang magyaya.

Ang mensahe ni Scarlet para sa kanyang yaya Anita:  “Happy birthday to my Yaya! You are the most wonderful Yaya in the whole world. From being Daddy’s Yaya to Mommy’s Yaya to my Yaya you have never complained about anything. You’re always smiling with a happy heart. I thank Papa God for you.”

“Enjoy your birthday party with your little girl but come back soon, ok! I love you,” dagdag pa ni Scarlet

Kitang-kita ang pagiging mlapit ng mayaya ano?!

Happy Birthday, Yaya Anita!