Kapamilya at Kapuso reporter, mistulang “nagsabayang pagbigkas” dahil sa sabay na pagbabalita

Mga larawan mula sa Facebook account ni Jacque Manabat

Ngayong Pasko, lahat ng mga magkakalaban at magkakaribal ay pansamantalang nagkakaisa upang ipagdiwang ang diwa nito; kabilang na riyan ang dalawang higanteng TV stations sa bansa— ang ABS-CBN Kapamilya Network at GMA Kapuso Network.

Ang dalawang magkaribal na TV network ay parehong nagke-claim na sila ang number one sa “puso” ng bawat “pamilyang” Pilipino.

Makikita sa Instagram at Facebook posts ng isa sa mga Kapamilya reporter na si Jacque Manabat na katabi niya at halos kasabay na nagbabalita ang Kapuso reporter na si Jun Veneracion sa sitwasyon ng Araneta Cubao Station dahil sa pagdagsa ng mga Kapamilya at Kapuso pauwi ng mga lalawigan para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Naki-selfie pa ang Kapamilya reporter sa monitor ng Kapuso reporter.

Maraming netizens ang natuwa sa mga larawang ito. Good vibes lang para sa Pasko, wika nga.

MaGMAhalan at #JustLove ngayong Pasko!

Fact-checked against the following source(s) :

Newsko, Instagram, Facebook