Liza Soberano, pinakamagandang babae sa buong mundo ayon sa British movie critic

Mga larawan mula sa Instagram account ni Liza Soberano

Kinilala ang Kapamilya actress na si Liza Soberano bilang pinakamagandang babae sa buong mundo batay sa listahan ni TC Candler’s annual “The 100 Most Beautiful Faces” at tinalo ang ilang mga Hollywood star at mga aktres sa ibang bansa tulad nina Emma Watson ng Britanya, Tzuyu ng Taiwan, at Thylane Blondeau ng France.

Bukod kay Liza, pasok din sa listahan sina Kathryn Bernardo (60th), Jessy Mendiola (71st), at Nadine Lustre (78th). Sila lamang ang mga Pilipinang nakapasok sa listahan.

Custom made earrings from @luvijewelry

A post shared by Kathryn Bernardo (@bernardokath) on

@extraordinail @tokyoposh

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

May still be aching, but I see the sun come up.

A post shared by Nadine Lustre (@nadine) on

Para naman sa “100 Most Handsome Faces,” pasok sina James Reid (4th), Enrique Gil (61st), at Daniel Matsunaga (88th).

Inaabangan na ang paglipad ni Liza bilang “Darna” sa 2018.