Mariel de Leon hindi pinagsisisihan ang naging pahayag sa pagkakatalaga kay Mocha Uson sa gobyerno

File Photo

Hindi umano pinagsisisihan ni Binibining Pilipinas International 2017 Mariel de Leon ang kanyang naging opinyon sa pagkakatalaga kay Mocha Uson bilang  Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office.

Magugunita nitong Mayo ay nagpahayag ng pagkadismaya si Mariel sa pagkakatalaga kay Uson sa naturang posisyon. Aniya mas maraming karapat-dapat kaysa kay Uson na miyembro ng  Mocha Girls member at blogger.

Sa December 11 episode ng Tonight With Boy Abunda, sinabi ni Mariel na wala siyang pinagsisihan sa kanyang naging pahayag.

No. Because if I didn’t post that, then I wouldn’t be who I am today,” ani Mariel. “I wouldn’t be where I am today with all the things happening right now.”

Ayon sa ulat ng Rappler, sinabi ni Mariel, ito’y simpleng pagpapahayag lamang ng kanyang saloobin na aniya’y kanyang karapatan. Tinanong din ang aktres kung siya’y bukas sa pakikipagkita kay Uson:

“It’s not that I am totally pushing myself away from politics, more of I’m focusing on myself more and the things I can do with my life, and what I want to do with my life.”

Si Mariel ay leading lady ni Coco Martin sa ‘Ang Panday’  na bahagi ng 2017 sa Metro Manila Film Festival.

Fact-checked against the following source(s) :

ABS CBN, Rappler, Rappler