Marlon Stockinger at Pia Wurtzbach, inilahad ang estado ng kanilang relasyon

Image via Instagram account of marlonstockinger

Masayang inilahad ng celebrity couple na sina Marlon Stockinger at Pia Wurtzbach ang estado ng kanilang relasyon.

Nang tanungin sa “Magandang Buhay” ang celebrity couple kung nakikita na ba nila ang ‘forever’ sa isa’t isa ay inilarawan ng dalawa kung saan patungo ang kanilang relasyon.

Ayon kay Marlon, kailangan nakatuon sa kasalukuyan kung nais magkaroon ng isang ‘fairy tale ending’.

Paliwanag niya: “If you want to have the fairy tale ending, you should always focus on the story you are writing right now.”

Ani Marlon, nahulog ang kanyang damdamin kay Pia hindi dahil sa beauty queen ito kung ‘di dahil sa “relaxed, super funny, and down-to-earth” na personalidad ng dalaga.

Dagdag pa niya: “Every day, kahit anong oras, I can always call her, talk to her. I’m just proud to have someone who has found herself as well as Pia.”

Ibinahagi rin ng Filipino-Swiss racing driver na nakahanap siya ng best friend sa katauhan ng nobya.

Samantala, thankful naman si Pia sa pang-unawa na ibinibigay ni Marlon sa kanya.