Pag-apruba ng 1-year extension ng Martial Law sa Mindanao ikinatuwa ng Malacañang

Image from PCOO Facebook page

Ikinatuwa ng Malacañang ang pag-apruba ng House of Representatives at Senado sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao na magtatapos sa Disyembre 31, 2018.

Ayon sa ulat ng Brigada, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na welcome sa Malacañang ang botohan ng mga mambabatas sa isinagawang joint session na may botong 240-27.

Ang  Senado ay may botong 14-4 habang ang House of Representatives ay may botong 226-23 ipabor sa pagpapalawig ng martial law ng isa pang taon.

 “We welcome the approval of both houses of Congress to extend the proclamation of martial law and the suspension of the privilege of the writ of habeas corpus in the whole of Mindanao beginning January 1, 2018 until December 31, 2018,” ayon kay Roque.

Nangangahulugan naman na suspendido na rin ang writ of habeas corpus sa buong Mindanao simula Enero 1, 2018 hangang Disyembre 2018.

Nagpasalamat naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa House of Representatives makaraang aprubahan nito ang kanyang kahilingang 1-year extension sa Martial Law sa  Mindanao.

Fact-checked against the following source(s) :

Brigada, Inquirer, GMA