Paghaharap nina Robin at Aljur, inaabangan

Mga imahe mula sa Facebook pages na Robin Padilla at Aljur Abrenica

Inaabangan na ngayon ng marami na makaharap ni Robin Padilla ang aktor na si Aljur Abrenica, na ama ng kanyang apo.

Ayon sa Abante, sa ikalawang pagkakataon ay muling nagkita si Padilla at ang apo niya kay Kylie na si Alas, kung kaya’t inaabangan na rin ng marami na ang ama naman nito ang kanyang makaharap.

Hinihinalang hindi na rin magtatagal at magaganap ang normal na pagdalaw sa bahay, kasunod ang family events kasama na rin si Abrenica.

Samantala, hindi na rin maitatago ni Robin ang pagkaaliw sa kanyang apo, lalo pa at ito ay lalaki.

Narito ang video ng ulat tungkol sa unang pagkikita nina Robin at ng kanyang apo na si Baby Alas:

 

 

Fact-checked against the following source(s) :

Abante, Balita DF, GMA, YouTube