Partylist solon muling iginiit ang ‘nationwide martial law’

Image from Amira Press

MAYNILA, Pilipinas  –  Hindi lang sa Mindanao, kundi sa buong bansa dapat ideklara ang batas militar; ito ang muling iginiit ni Kusug Tausug Party-list Rep. Shernee Abubakar Tan.

Sa ginanap na joint session ng Kongreso para talakayin nga panukalang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao, hiniling ni Tan sa kaniyang mga kapwa-mambabatas na gawin nang ‘nationwide’ ito sa halip na sa isang rehiyon lamang.

Ayon kay Tan, hindi lamang sa Mindanao mayroong banta ng karahasan kundi maging sa iba pang bahagi ng bansa dahil sa patuloy na aktibidad ng mga komunistang grupo.

“There are also NPAs in Luzon and Visayas, therefore, if martial law is good for Mindanao, isn’t it that martial law is also good for Luzon and Visayas?” ani Tan.

Dati nang ginawa ni Tan ang nasabing mungkahi noong nakaraang Hulyo habang tinatalakay ang 6-month extension ng martial law noon.

Nitong Miyerkules, tuluyan nang inaprubahan ng Kongreso sa botong 240-27 ang panukala ng Malakanyang na palawigin pa ang batas militar sa Mindanao hanggang sa katapusan ng susunod na taon.

Fact-checked against the following source(s) :

ABS-CBN News, Philstar, DF Balita