Petmalu na lespu: PO3 Ramos, nag-iisang babaeng pulis na sumabak sa SWAT training ng PNP

Images from BuhayLespu Facebook page

MAYNILA, Pilipinas  – Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang magandang babaeng pulis mula sa lungsod ng Davao.

Maraming humanga sa lady cop hindi lamang dahil sa kanyang angking kagandahan kundi dahil sa siya ang nag-iisang babaeng pulis na sumabak sa madugong training ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Philippine National Police (PNP).

Ang naturang pulis ay si PO3 Minerva Ramos ng PRO 11 sa Davao City, na ayon sa ilang post sa social media ay sumailalim sa PNP S.W.A.T. CL-39-2017 “ALAKDAN” kamakailan.

Ang SWAT regular course ay umaabot ng 45 araw o kabuuang 360 oras, ayon sa manual ng PNP.

Ang bawat trainee ay sumasailalim sa iba’t-ibang kurso upang mahasa at mahubog ang kanilang abilidad at kakayahan para sa iba’t-ibang sitwasyon.

Ito ay kinabibilangan ng “Fundamentals of Marksmanship”, “Close Quarter Maneuver”, “Introduction to Crisis Management”, “Mission Planning” at “Field Exercise”.

Hinangaan ng maraming netizen si PO3 Ramos dahil sa kanyang katapangan at determinasyon.

Panoorin ang maikling video ng training: