Petmalu si Sir! Propesor nag-viral dahil sa kahanga-hangang sulat-kamay sa pisara

Imahe mula sa Facebook post ni Caleb Banares

#PenmanshipGoals ang peg ng isang netizen sa Facebook.

Ito’y dahil sa labis niyang paghanga sa sulat-kamay ng isang propesor na aniya’y taga-FEU TECH.

Sa post  ni Caleb Bañares ay ibinahagi niya ang dalawang larawan kung saan ay makikita ang isang guro na nagsusulat sa puting pisara  — ngunit ito’y humahakot talaga ng tingin pagkat tila gumamit ng ruler o panglebel ang propesor. Idagdag pa rito na napakalinaw at napakaayos ng kanyang pagsusulat sa pisara; isang bagay na hindi madali para sa nakararami.

Ani ni Caleb sa kanyang post: “From FEU TECH pala si Prof. How to write like you po sir? 🙌🏻📝

Geez kung ganito sulat ng prof ko di ko alam kung gaganahan pa ako mag notes kasi magmumukha lang scratch paper dahil sa sulat ko or pwedeng matutulala na lang ako sa sobrang astig ng sulat niya huhu”

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 20,000 shares ang post na ito at ang mga hindi nakapagpigil magkomento ay nasa 2,000 na. Umapaw sa nakatutuwang reaksyon ang post na ito hinggil sa tinawag na LODI at PETMALUNG professor. “How to be you” nga naman.

“Kunin mo kay Prof ang mahiwagang Pentelpen anjan ang majic tapos bigay mo sakin para gumanda sulat ko” 😂😂

“May invisible ruler si Sir sa Mata hahaha. Di siya pasmado.”

“Nahiya ako sa sulat ko”

“Parang ang pogi din nung Prof . Hahahahaha”

“Ganyan din ako mag sulat noong araw eh.. ginabi lang.”

Mayroon ding mga nagpahayag na kilala nila o kaya’y naging guro nila ang propesor at sinegundahan na talagang nakabibilib magsulat sa pisara ang Sir na ito.

Narito ang buong post:

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook, Viral4Real, Kami