Video ng “mabilisang pagkain” ni Coco Martin, ikinatuwa ng mga tagahanga

Mga larawan mula sa Instagram account ni Coco Martin

Labis na ikinaaliw at ikinatuwa ng fans ni Primetime King Coco Martin ang kuhang video nito kung saan palihim itong kumakain sa kanilang motorcade para sa kanyang pelikulang Ang Panday habang isinasagawa ang parada ng mga artistang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2017.

Ini-upload ni Coco ang video sa Instagram account habang “panakaw” siyang kumakain sa kanilang motorcade. Nilagyan niya ito ng caption na “Paminsan-minsan, nagugutom din!”

Paminsanminsan nagugutum din!!! Hehehe…masarap po sya!!!不不不

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Pinuri ng netizens ang kababaang-loob at pagiging simpleng tao ni Coco sa kabila ng tinatamasa niyang tagumpay.

Bukod sa teleseryeng Ang Probinsyano, naging abala rin si Coco sa pagdidirehe at pagpo-promote ng Ang Panday lalo pa’t ito ang kanyang kauna-unahang pelikulang idinirehe at naisulat. Ayon kay Coco, ang bersyon niya ay karugtong ng orihinal na bersyon ni Fernando Poe Jr dahil siya ang tumatayong apo ni Flavio, ang hinirang na dakilang Panday.

Walang sawang sinusuyod ni Coco ang Kamaynilaan para lamang i-promote ang kanyang pelikula kaya naman nasasakripisyo na ang kanyang mga oras para sa pamilya.

Mapapanood ang Ang Panday at iba pang pelikulang kalahok sa MMFF 2017 sa araw ng Pasko sa mga sinehan.