‘52 Week Challenge’! Estudyante ‘lodi’ ngayon matapos makapag-ipon ng P59,500 dahil sa pagtitipid

Imahe mula sa Facebook account ni Trisha Ysabell Mistica

Ngayong kaliwa’t kanan na ang pagtaas ng mga bilihin at petrolyo dahil sa bagong reporma sa pagbubuwis ay hahanap ka ng paraan upang makapagtabi ng salapi.

Kaya naman nauuso ngayon ang ‘ipon challenge’ na inaakala ng maraming madali itong gawin. Ngunit lingid sa kanila ang mga kwento sa likod nito.

Hinahangaan ngayon ang estudyanteng si Trisha Ysabell Mistica, kung saan proud niyang ibinahagi sa kaniyang Facebook account ang naipong  ₱59,552.20 dahil sa pagtitipid.

Ayon kay Mistica, tiniis niyang hindi buksan ang kaniyang alkansya kahit ilang beses na itong natutukso.

Binawasan din ang mga pagkain ng kung ano-ano at maging allowance niya’y sinikap na makapagtabi.

Saad pa niya, sulit ang ‘52 Week Challenge’ na kaniyang nagawa.

Labis siyang nagpapasalamat sa mga mahal niya sa buhay na sumuporta sa kaniya lalo’t naglalagay umano ito ng pera nang palihim sa kaniyang alkansiya.

Nangako naman si Mistica na uulitin niya ang challenge na ito.

 

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook