Alden Richards, muling pumirma ng kontrata sa GMA Records

Image capture of video by GMA News via YouTube account and via Instagram account of aldenrichards02

Solid ‘Kapuso artist’ pa rin ang ‘pambansang bae’ na si Alden Richards matapos niyang mag-renew ng kontrata sa GMA Records nitong Enero 5, 2018.

Ani Alden: “Happy! Ramdam ko naman kasi talaga ‘yung GMA Records has been continuously researching, doing a lot of brainstorming kung ano ‘yung mga ibibigay na projects sa akin which I appreciate. Kasi parang like what I said before, ‘di naman ako talaga kumakanta. This is not my craft, pero slowly as the years passed by parang nagugustuhan ko na siya. Iba rin ‘yung fulfillment sa singing, so happy ako na I’m still with GMA Records, it’s my third year.”

Binanggit din ng ‘pambansang bae’ na tinitingnan niya ang posibilidad na maging ka-partner ang GMA Records sa pag-produce ng isang concert sa hinaharap, ayon sa ulat ng GMA.

Aniya: “I’m putting that into consideration na rin kasi syempre at least parang it’s a healthy collaboration on my part to explore rin the side of being a producer.”

Ayon pa kay Alden, wish daw niyang makatrabaho ang singer at composer na si Ogie Alcasid sa hinaharap.

Aniya: “Sana maisulat ako ng isang kanta ng the one and only Kuya Ogie Alcasid. Sana lang, hopefully kung kakayanin. It’s my dream.”

Sa dalawang taon na kontratang pinirmahan ng ‘pambansang bae’ ay naka-line up ang dalawang albums at isang concert.

Masaya naman si GMA Records EVP Felipe S. Yalong sa muling pagpirma ni Alden ng kontrata.

Ani Yalong: “Kami ay nagagalak lalo na ang GMA Records kasi pumirma ulit sa atin ng kontrata si Alden. In fact, if you look at ‘yung mga last albums that we released, lahat ‘yan nag-platinum records.”

Sinabi rin ni Yalong na nananatili si Alden na isa sa kanilang ‘elite roster of talents’.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News: