Alden Richards, narinig daw na nagmura sa video?

Image from Alden Richards' Instagram account

Sari-saring komento ang ibinigay ng mga social media users sa video ni Alden Richards kung saan binati niya ng happy birthday ang isang tagahanga, ngunit sa dulo ng video ay narinig ang boses niya na tila nagmura.

Sa ulat ng LionhearTV, sinabing nasa loob ng tumatakbong sasakyan si Alden Richards nang batiin niya ng happy birthday ang isang tagahanga.

“Hello Lara, Happy Birthday. I’ll see you soon. God Bless! Bye Bye,” sabi ni Alden sa video greeting niya sa tagahanga.

Narinig naman sa background ang sinabi ng kasama ng actor sa sasakyan: “Lara impakta” kasunod ang tawanan ng iba pang mga kasama nila.

Dito na narinig ang sinasabing pagmumura ni Alden, bagama’t hindi kita sa video na siya nga ang nagsabi ng mga katagang, “G*ga, narinig ka.”

Umani ng mga negatibong komento ang aktor matapos i-upload ng isang Jher Garcia sa Twitter ang video.

May nagtanggol din naman sa Pambansang Bae tulad ni Lolit Solis na nagsabing normal naman sa mga artista ang “mag-dialogue” ng ganoon.

“Hindi isyu ang pagsasalita ni Alden ng g*ga dahil normal sa mga artista na mag-dialogue ng ganoon. Mga tao rin sila ‘no!” ani Solis sa kanyang kolum na “Take it Take it” sa Pilipino Star Ngayon.

Narito ang video: