Buong pangalan ni Jollibee, tukoy na!

Image capture from Tom Sawyer Memes Facebook account

Bahagi na ng buhay ng mga Pinoy si Jollibee. Halos lahat sa Pilipinas ay nakalakihan ang fast food chain na ito at nakakakain dito ang sinuman at ano man ang estado sa buhay.

Wala yatang hindi nakakakilala kay Jollibee, ngunit…may nakapagtanong na kaya kung ano ang buong pangalan nito?

Nag-viral ngayon sa social media ang isang larawan kung saan nakasaad dito ang nagmistulang buong pangalan ni Jollibee.

Sa Facebook post ng Tom Sawyer Memes, ibinahagi nito ang larawan ng isang tarpaulin na may ‘full name’  Jollibee D. Tuazon.

Ito ay may caption na: “Ngayon ko lang nalaman full name niya. Tuazon pala ang apelyido ni Jollibee.”

Naging katatawanan naman ang larawang ito sa mga netizens pagkat natuklasan nila umano na may buong pangalan pala si Jollibee.

Sinasabing  ang larawang ito’y kuha sa branch ng Jollibee sa D. Tuazon sa Quezon  City.

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook