Asia’s Songbird Regine, aminadong hindi kaya ang ginawa ni Joanna sa ‘Ang Larawan’

Mga imahe mula sa YouTube accounts ng Ang Larawan at Viva Records

Labis na humanga ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa naging pagtatanghal ng Metro Manila Film Festival 2017 best actress na si Joanna Ampil .

Ayon sa PEP, inamin ni Velasquez na hindi niya kayang maging si Candida Marasigan, na ginampanan ni Ampil sa pelikula.

“I don’t think I can do that. I’m just being honest, na hindi ko kaya ang gano’ng karakter. ‘Yong ginawa ni Joanna, she’s so good,” aniya.

Ani Velasquez, hindi raw niya istilo ang kailangan sa ‘Ang Larawan.’

“Hindi ako sure kung kaya ng powers ko kung may maibibigay sa akin na project, ‘yong Larawan kasi, may specific na style of singing. Kaya sinasabi kong hindi ko kaya, kasi hindi iyon ang style ko, e,” paliwanag niya.

“Hindi ako pam-Broadway! Hindi ko ‘yon kaya, kung gano’ng style ng singing. Hindi ko ‘yon kaya,” dagdag pa ng mang-aawit.

Narito ang trailer ng Ang Larawan:

Fact-checked against the following source(s) :

PEP, GMA News, YouTube