Aasinta na ba? Julia Montes umamin na si Coco Martin ay ‘Perfect boyfriend’ material

Larawan mula kay Julia Montes Instagram account

Tikom ang bibig ni Julia Montes pagdating sa usaping pag-ibig, ngunit inamin ng bituin ng “Asintado”  na “Mayroon nang dapat asintahin”, ayon sa isang ulat ng Kapamilya network.

Ito umano ang kanyang tugon nang siya ay tanungin kung marunong na siyang umasinta sa usaping puso.

Gayunman, ang dalaga na madalas na naiuugnay sa “Panday” na si Coco Martin, ay mabilis na nagbigay-linaw na: “Masyado pang maaga. Medyo relax muna tayo. Masaya naman sa kung anong meron po ngayon.”

Binigyang-diin niya na ang trabaho ang nananatili niyang prayoridad sa ngayon at pumapangalawa ito sa kanyang pamilya na siya namang itinuturing niyang pangunahing motibasyon.

Hindi man nagkukumpirma kung ano ang relasyon ng dalawa, nagsalita naman ang aktres kung gaano kaespesyal si Coco Martin para sa kanya, ayon sa Kami.

“Hindi lang siya naging close dahil lang sa trabaho, kasi prior nga, lagi naming sinasabi before pa, nagkasama na kami.

“Hindi siya yung parang after work, wala na. May communication pa rin.”

Inamin rin niya na talaga namang perfect boyfriend material ang aktor na si Coco sa isang panayam.

“Maano siya, maalagang tao, mabait, mapagmahal. So, kung as a boyfriend, yes.”

Panoorin ito at masdan ang kislap sa kanyang mata kapag si Coco ang pinag-uusapan.

 

Abala ang dalawa sa kanilang mga proyekto ngunit hindi napapatid ang dalawa lalo pa’t magkalapit lang pala ang kanilang bahay!

🎂

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on

Ang unang teleserye nina Julia at Coco ay Walang Hanggan noong 2012 at dahil nag-click sila bilang loveteam ay nasundan pa ito ng teleserye na Ikaw lamang at Ikaw lamang Book 2 noong 2014.

Nauwi na  nga sa isang espesyal na pagkakaibigan ang dalawa. Close na sila, ‘ika nga, at marahil sa tamang panahon ay may aamin na rin.

Samantala, aasinta na si Julia sa Enero 15:

Fact-checked against the following source(s) :

Kami, Daily Readers, ABS CBN, Instagram, ABS CBN