Bagong 5-peso coin, nagdulot ng kalituhan sa maraming netizens

Larawan mula sa Facebook account ni Juddy Anderson

Kamakailan lamang ay naging kontrobersyal ang paglabas ng ilang 100 at 500-peso bill na “walang mukha” na talaga namang pinag-usapan ng lahat, na naging dahilan upang maging aktibong muli ang mga nangongolekta ng ganitong mga pambihirang pagkakataon.

Ngayon naman, isang netizen na nagngangalang Juddy Anderson ang nag-post sa kanyang Facebook account hinggil sa kanyang pagkalito sa bagong hitsura ng 5-peso coin. Makikita sa kanyang larawan na halos magkatulad na ito sa 1-peso coin na patuloy pa ring nasa sirkulasyon.

Aniya sa kanyang post: I had to go to the bank this morning and took the village tricycle, on my way back, lolo driver took me home and gave me change.

25 pesos yung fare so I gave him one 20 peso bill and one 10 peso coin. He casually reached down and gave me these coins.

Sabi nya, “Oh hijo, five pesos”

I was shocked. I informed him that this was actually 21 pesos.

He was surprised to know that the new ones are in circulation!

I took back my fare and gave him a full 50 peso bill instead so I can keep these coins. I asked him to be careful moving forward.

I don’t like the look of this new 5 peso coin. Honest workers suffer.

 

Umabot na sa halos 3,500 shares ang naturang post at maraming netizen ang nagbigay ng komento sa naturang 5-peso coin.