Beauty Gonzales, nagsalita na sa diumano’y kasalang  John Lloyd Cruz at Ellen Adarna

Imahe mula sa Instagram account ni Beauty Gonzales

Mariing itinanggi ng ABS CBN  ‘Pusong Ligaw’ star na si  Beauty Gonzales ang usap-usapang ikakasal na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Sa panayam ng  Chikkaness Ave, pinabulaanan ni Gonzales, malapit na kaibigan ni Adarna, na mag-iisang dibdib na ang kontrobersyal na couple.

Hindi po sila ikakasal, wala pong kasal. May dementia yata ‘yung nagsusulat nun,” ani Gonzales. “I don’t need to clarify ’cause I know if they are gonna get married, they are gonna call us… Alam ko naman sasabihan nila kami.”

Bakit ako tatawag? Sasabihin pa niya sa akin na may kung anu-anong tumatakbo sa utak ko… Kwento-kwento lang ‘yan,” dagdag pa nito.

Matatandaang noong Nobyembre si Gonzales din ang nagsabing mahal nina Adarna at Cruz ang isa’t isa.

Halos ganito rin ang naging pahayag ni ‘Pusong Ligaw’ co-star  Joem Bascon na kilalang malapit na kaibigan ni Cruz.

“Basta masaya sila,” ani Bascon.

Tikom naman ang bibig ng dalawang Kapamilya star sa isyu ng diumano’y pagbubuntis ni Adarna.

Kamakailan ay inamin na nina Adarna at Cruz ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Dahil sa Instagram post ni Lolit Solis kaya naging maugong ang usap-usapang  ikakasal na sina Adarna at Cruz:

May taga Cebu na nagsabi sa akin nag-contact na daw caterer at florist para sa kasal ni John Lloyd Cuz at Ellen Adarna sa isang beach resort sa Cebu at mangyayari daw ito last week or either early February , kaya pala dun na sa Cebu kapiling pamilya ni Ellen nag christmas at New Year si John Lloyd. Among major sponsor daw Dr. Cuanang ng St Luke's at dating secretary na si Bert Romulo , tatay ni Roman at Mons. Bongga , sarap isipin na sa kasalan hahantong ang relasyong John Lloyd at Ellen . So happy na talagang gagawin nila legal ang kanilang love , bongga talaga Salve A. dahil di ba kahit ano pa sabihin nila , na parang walang paki sa paligid niya si Ellen naniniwala pala siya sa kasal. Nasa edad na si Lloydie at siguro nga ito na ang tamang panahon para sa kanya , hayy happy love news for us especially di mo aakalain na dito hahantong ang relasyon ng dalawa, best wishes and we wish you well talaga. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolit #pilipinostarngayon #pangmasa #instascoop

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Panoorin ang panayam na ito ng Chikkaness Ave para sa iba pang detalye: