Celine Dion, ginunita ang duet nila ni Charice noong 2008

Mga larawan mula sa Instagram account nina Celine Dion at Jake Zyrus

Ginunita ni International singer Celine Dion ang naging remarkable duet nila ng child singing sensation na si Charice Pempengco noong nagsisimula pa lamang itong makilala sa buong daigdig, na ngayon ay isa nang “transman” at kilala bilang Jake Zyrus.

Tuloy na tuloy na sa darating na Hulyo 19, 2018 sa SM Mall of Asia Arena ang one-night concert sa Pilipinas ng mahusay na mang-aawit na nagpasikat ng theme song ng pelikulang Titanic, ang ‘My Heart Will Go On”  at iba pang mga awiting hanggang ngayon ay paborito ng mga Pilipino sa videoke. Bahagi ito ng kanyang Asia-Pacific tour sa Hunyo, Hulyo at Agosto.

Ang natatanging duet nina Celine Dion at Charice ay naganap sa Madison Square Garden sa New York City, USA isang dekada na ang nakalilipas.

Batay sa panayam ng showbiz reporter ng ABS-CBN Network na si MJ Felipe, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakalilimutan ni Celine ang duet nila ni Charice sa kantang “Because You Loved Me.” Biro pa nito, halos nawala raw sa tamang puwesto ang kanyang panga noon dahil sa superb performance na ipinamalas nilang dalawa na talagang tumatak sa buong daigdig.

Balikan ang duet nina Celine Dion at Charice sa awiting “Because You Loved Me” noong 2008 via YouTube channel.

Hinggil naman sa desisyon ni Charice na maging Jake Zyrus, kailangan daw itong igalang ng lahat.

Samantala, nag-post naman ng pasasalamat sa kanyang Twitter at Instagram account si Jake Zyrus.

The Queen. Thank you for the opportunity and for your kindness. I will never forget you, that precious moment and your heart. Love u, @celinedion.

 

 

 

Thank you @mjfelipe for this. Thank you @celinedion for your kind words. You were always kind to me and to everyone you work with. I love you, We love you.