Chinese boy, naglakad ng mahigit 4km sa freezing condition para sa final exam sa paaralan

Image from People's Daily, China's Facebook page

Naglakad ng apat at kalahating kilometro sa gitna ng nagyeyelong kondisyon  ang isang bata sa China upang makarating sa unang araw ng pagsusulit sa paaralan.

Ang larawan ng batang kinilalang si Wang Funan, 8-taong gulang, na naninirahan sa Shaoton, Yunnan province, ay nag-viral sa China matapos itong ibahagi ng People’s Daily, China sa Facebook page nito.

Makikita sa larawan na namumula ang mga pisngi ni Wang at puno ng “frost” ang buhok at ang pilik-mata niya, habang makikitang nagtatawanan ang kanyang mga kaeskwela.

Hindi naman siya kinukutya ng mga kamag-aral kaya nagtatawanan ang mga ito. Masayahing bata lang talaga si Wong kaya nang dumating siya sa paaralan ay nagpakita siya ng “funny face” upang patawanin sila.

Ang larawan ay kuha ng isang guro noong ika-8 ng Enero; ang unang araw ng final exam sa paaralan.

Ayon kay Mr. Fu, ang headmaster ng mababang paaralan sa Ludan County, araw-araw naglalakad ang bata patungo sa paaralan at karaniwang inaabot ito ng isang oras sa paglalakad.